Saturday, March 06, 2010

Ako'y Pilipino

guys share ko lang po kaibahan ng Pinoy na nasa Pinas at nasa ibang bansa..just treat it in a positive way...

AKO ay PILIPINO

Meron akong gustong ibahagi para sa ating lahat na mga PILIPINO.
Simple pero parang mahirap gawin ng karamihan sa atin.
Hindi ito makukuha sa puro daldalan lang or walang kabuluhang pagtatalo, kumilos tayo ngayon na.

Sa ibang bansa: Pag nagkasala ang Pinoy, pinarusahan siya ayon sa batas.
Sa PINAS: Pag nagkasala ang Pinoy, ayaw niyang maparusahan kasi sabi niya mali raw ang batas.

Sa ibang bansa: Pinag-aaralan muna ng Pinoy ang mga batas bago siya pumunta roon, kasi takot siyang magkamali.
Sa PINAS: Pag nagkamali ang Pinoy, sorry kasi hindi raw niya alam na labag sa batas iyon.

Sa ibang bansa: Kahit gaano kataas ang bilihin at tax sa USA okey lang, katuwiran natin doble kayod na lang.
Sa PINAS: mahilig ka sa last day para magbayad ng tax minsan dinadaya mo pa o kaya hindi ka nagbabayad. Rally ka kaagad kapag tumaas ang pasahe at bilihin sa halip na magsipag mas gusto natin ang nagkukwentuhan lang sa munisipyo o kahit sa alinmang tanggapan.

Sa Singapore : Kapag nahuli kang nagkalat or nagtapon ng basura sa hindi tamang lugar, magbabayad ka ng 500 Singapore dollars. Sabi ng Pinoy, okey lang kasi lumabag ako sa batas..
Sa Pinas: Kapag nagkamali ang Pinoy katulad nang ganito, Sabi ng Pinoy, ang lupit naman ni Bayani Fernando , mali naman ang pinaiiral niyang batas eh akala mo kung sino. Ayun nag-rally na ang Pinoy, gustong patalsikin si Bayani Fernando kahit na alam niyang mali siya..

Mga igan, ilan pa lang iyan baka may iba pa kayong alam.

Bakit ang PINOY, pwedeng maging "law abiding citizen sa ibang bansa ng walang angal" pero sa sarili nating bayang PILIPINAS na sinasabi ninyong mahal natin, eh hindi natin magawa, BAKIIITTTTT? ????????
Go Gibo, para madisiplina na ang walang disiplinang Pinoy. Go Gibo for President

No comments: