Sunday, February 21, 2010

Pamantayan ko sa Pagpili ng kandidato sa Pagkapangulo

Hindi lahat ng bunga ay hinog at hitik.

At hindi namamana ang kakayahang mamuno ng bansa.. nasa tao, didikasyon at paniniwala, wala rin sa yaman o pagkamahirap ang pamumuno, nasa sariling kakayahan at paninindigan po. Hindi rin po namamana ang kakayahang magsilbi sa bayan bagkos nasa sariling panuntunan po yan sa buhay kung tutulong o hindi na bukal sa kalooban.. kahit ako po pinanganak galing sa magulang ko hindi ibig sabihin katulad nila ako.. pero proud ako kasi dugo nila ang nasa katawan ko.. pero di ko matatanggap na parehas ang paninidigan namin at paniniwala.. siguro ugali at tamang pagpapalaki sakin ang hinubog nila pero yong sariling desisyon at paninindigan ko hindi eto minana ginusto ko po. at hindi po kasalanan maging mahirap o mayaman ang tanging kasalanan lang po binigayan nga ang tao ng kumpletong bahagi ng katawan pero di naman tinutulungan ang sarili para magamit at mapakinabangan ng wasto at husto upang makatulong at makaahon sa kahirapan.
Hindi po kasi ako naniniwala sa namamanang kakayahan lalo na sa pamumuno… ang pamantayan ko po sa pag pili ng kandidato eto po: KAKAYAHANG MAMUNO, KAKAYAHANG IPATUPAD ANG BATAS, KAKAYAHANG IPAGTANGGOL ANG TUNGKULIN PARA SA BAYAN, KAKAYAHANG IBANDILA ANG BANSA SA KARATIG BANSA, KAKAYAHANG GAWIN ANG IHEKUTIBONG GAWAIN, INTEGRIDAD SA SARILI AT PAMILYA, MABUTING PAMILYA (mayaman man o mahirap), MATIBAY NA PLANO AT PLATA-FORMA (makakatutuhanan at naaayon sa panahon) KAKAYAHANG MANINDIGAN UPANG MAPANATILI ANG KAPAYAPAAN NG BANSA AT MAY SARILING DESISYON AT PANINIWALA AT MAY MAT TAKOT DIYOS. HINDI NANGANGAKO AT LUMALABAN BAGKUS, NAGBIBIGAY SOLUSYON AT INSPIRASYON PARA MALUTAS ANG PROBLEMA, HINDI NAGSASALITA NG MASAMA SA KAPWA BAGKUS NANGANGARAL UPANG GAWIN ANG TAMA. HINDI NANINIRA BAGKUS NAGBUBUKLOD AT NAGHIHIMOK NG PAGKAKAISA AT PAGSISIKAP.

salamat po. Kaya Si Sec.Gibo ang napili ko Para sa Presidente kasi sya lang ang pumasa sa panuntunan ko sa pagpili ng isang Lider..
pangaalwa dito si Gordon at pangatlo si Eddie Villanueva pang apat s Villar, si Perlas at si Nonoy.

God Bless

No comments: