Ang lagablab ng kahalayan ay parang marubdub na apoy na di uurong ang ningas hangang kamatayan.
May dalawang uri ng tao na patung-patong ang kasalanan, At my ikatlo na humihingi ng parusa na Diyos. Ang una’y ang NAHIRATI SA KAHALAYAN SA SARILING LAMAN, Ito’y hindi titigil hanggang hindi siya siya natutupok sa apoy na iyon. Ang ikalawa’y ang TAONG HAYOK SA LAMAN, ang anitong tao’y walang patawad sa babae, at di siya matitigil hanggang kamatayan. At ang ikatlo’y ang lalaking nangangalunya; laging sabi niya sa sarili. "Sino ang makakikita sa akin? Ako’y nasa gitna ng dilim! Ligid ako ng mga dinding; walang nakakakita sakin! Anong dapat kung ikatakot? Hindi na mapapansin ng Kataastaasan and aking kasalanan." Wala siyang kinatatakutan kundi ang mata ng tao. Hindi niya inisip na ang paningin ng Panginoon ay makalilibong mas maliwanag sa sikat ng araw, na minamasadan ng Panginoon ang lahat ng ginagawa ng tao, at nakikita ang kalihin-lihimang sulok.
>Ang lahat na ito’y may kapatawaran, limutin mo ang lahat ng nagawa mong di mabuti
>sa lahat, tanggapin mo na ikaw’ay nagkasala, magbalik-loob ka sa Kanya, tanggapin mo
>siya ang Panginoon, sa pangalan ni Jesus, at wag mo na muling hayaan na magkasala
>kung ayaw mong mapasa-apoy.
-----anonymous-----
-----anonymous-----
No comments:
Post a Comment